+ napa-isip lang, ho. +
Malabo ako.
Feeling ko na-spoil ako ni Per over the past few years. Maaga siya umalis today sa LnK kasi kailangan niya pumunta ng DLSU. Wala rin sina Pie at Pau. So, medyo mag-isa lang ako kanina, pero okay lang. Napa-ngiti naman ako ni Pau nung umaga eh at buhay pa naman ako hanggang ngayon. It just felt
different. Weird nga yung feeling na wala sila kanina eh. Ewan ko kung bakit, nasanay na siguro ako na nandun sila. Nung umalis si Per, nag-hinaty ako (take note!) ng
mag-isa. Haha. Iba yung feeling. Ka-usap ko si James, pero iba eh. It's not like we're close or anything. I don't feel comfy around him eh. Lalo na nung pinag-usapan yung
"Executive Committee." Haha. Ewan ko. Nasanay na ako na nandun palagi sina Per at Pau. Kaya napa-isip ako, sa college magbabago na lahat. Siguro naman, magiging busy sina Pau sa DLSU. Ewan ko. Sana naman walang mag-bago. Wala lang. Nag-aalala lang ako. Natatakot lang kasi ako na wala akong makita na "Per" at "Pau" sa college. Well, sila lang naman ang "Per" at "Pau" ng buhay ko, kay di naman talaga sila mapapalitan...diba? Labo ko, noh?